Wander like a traveller.....scribble like a writer...

Tuesday, August 26, 2008

Bloopers are not embarassing at all

“Shit Happens” sabi nga ni Hans.. Usually kasi madaming unexpected prob sa work na masisira ang sched namin for the day..LAGI-LAGI NA LANG. But ano nga ba ibig sabihin ng expression na un?! On a lighter note pwede bang tawagin na ring bloopers to?? There are moments in our lives when we thought that “shit” could ruin our day pero attitude-wise, it’s how you take the situation.. so “Shit” or “Bloopers” could be embarrassing, irritating or FUNNY! Ako? Matatawa na lang ako...

Sa gitna ng traffic sa C5 on my way home sa Marikina, eto ang mga naalala ko na mga bloopers na nakakatawa na lng i-reminisce pero kakahiya nung mga panahon na un...


“I Met Tweety Bird @ Disneyland, Hongkong”



Every 5 mins., may photo-op dun sa Mickey & Friends Garden sa Disneyland na may gazebo kung saan puede magpa-pic with the Disney characters. From USA Land na area, we were approaching the garden when I saw the famous yellow bird cartoon character. Tuwang-tuwa ako!! Tumakbo kaagad ako at sumigaw, “Si Tweety Birddddddddddddddd!!!!!”. Nasa queue na ko ng ma-realized ko. “Shocks! Si Donald Duck pala ‘un”. Ano na lang sasabihin ng mga kids dun?!



LESSON: “Kung Kapamilya, wag nang manood ng Kapuso Shows“


“Not Your Time Yet, Iha”


A day we arrived from Manila where we attended the 1995 World Youth Day Celebration, we offered the Thanksgiving Mass in our Parish Church and I was assigned as the lector for “First Reading”. Ewan ko ba lagi naman me nagbabasa sa Mass pero cguro dahil sa “ship-lag” (barko pa lang nun, wala pa 1-peso-promo ang Cebu Pac) , kakanta pa lng ng “Papuri or Himaya (in Ilonggo)” ang choir pero tumayo na ako at taas-noo na pumunta sa podium. Tahimik ang lahat! Tapos sa gitna ng nakakabinging-katahimikan, na-realize ko Ako na ba?! Ting!!!

Parang pitik lng ng daliri, walang kaabog-abog, bumalik ako sa upuan ko. Pigil ang tawa ng lahat.



LESSON: “Wag atat minsan ha!“




“Know First Who Your Friends’ Friends Are”



Sa La Salle, I was with Grace nung pupunta na kami sa class namin nang makakasalubong naming ung isang Chinese cute guy na Engineering student. Napansin ko na siya nun kasi guapo nga kaso lang laging magulo ang hair. Di nman style lang un kasi parang hindi talaga e.. Sabi ko kay Grace, “Gras, kung mangusay lang na sia, cute sia”. (Translation for my Manila friends – “Gras, kung magsusuklay lang sana yan, ang cute nyan!”) Aba ang Grasya, umabante at sinalubong ung guy. “Frans, musta na?!, C Claire gale, classmate ko”. SHOCKING RED! Classmate niya pala nung high school un.



LESSON: “ Join networking to know who your friend’s friends are up to the highest degree-Sana may Friendster na nun!”.




“A Good Kick is For Guys Only”


First year high school ako nun, sa new building kami, sa 2nd floor. Uso nun laruin ng mga boys ung kick or “sipa” in tagalog. Then, one lazy afternoon, break namin, napag-tripan ko i-try mag kick kung kaya ko with my uniform ha (skirt siempre). Pag sipa ko, natanggal ung shoe ko at lumipad from 2nd flr to the ground, as in sa ground where our flag ceremony was held. Takbo me kaagad, tiningnan ko kng asan na. Tapos nakita ko ang pumulot ay ang crush ko . Naman!!



Lesson: “ Cinderella left her shoe and found her prince. I lost my shoe and my prince threw it back to me-minus him!”



“Warning: Destroyer in the Plane”


Aboard Singapore Airlines bound to Singapore for a connecting flight to Malaysia.. nasa middle row kami, nasa gitna ako nina Leslie and Nette.. pano ko uubusin ang 3 hrs na flight?! Buti may mini-tv for each seat para manood ng movie, music or games, news, etc.etc.. Yesss! May Super Mario Bros! 1st Hour - niri-recall ko pa lang, san nga ba ung flower(para sa bala), may coins at ang powers. Anong Chamber nga ba ang maganda at madali. San nga ba si Princess at ung aso? 2nd Hour - medyo naalala ko na.. nakakarami na ng coins…more practice pa..more pa... 3rd Hour – Dibdiban na to! Malapit ko na ma-save ang Princess! Sobrang Taas ung wall, hirap mag-jump kasi lumiit na nman si Mario-la na rin ako life, isang pagkakamali Game Over Na! Na-carried away ako! Pinatalon ko ng pagka-taas-taas, parang deep breathe at firm na firm pagkahawak ko sa remote, with matching pressure talaga! Pag pindot ko ng Arrow Up, sabay din taas ng remote, un pala, nahila ko rin ang remote! Tanggal sa cable!! Buti na lang nagsalita na ang Flight Attendant “We are arriving Changi Airport! “ Hahhhhh!! Dali baka mag-inspect at makita nila ang remote at singilin ako!



Lesson: “ Take bonamine 1 hour before you travel – para tulog!”




“Serve the ball, not the referee!”



It was summer break before ako papasok for 3rd year high school, may SK Summer Olympics nun sa amin at every village may sariling teams for volleyball at basketball (girls & boys). Lahat ng teens inencourage mag-join., so kahit patpatin at kala mo liliparin ng hangin, join me sa volleyball. So practice nang practice… Tapos eto na… first game, puro lahat di marurunong. Sabi ni Coach Nufrey or Shadjid (coach kuno!) important is mapatawid lang ang ball sa net, kasi for sure hirap din ang kabilang team sa reception (baguhan kaya lahat) – My turn! Okay, kaya ko to! Serve ko na..Prrrttt! Tingin ako sa referee nagsa-sign ng kamay nia para mag-serve na ako. Whooahh! Nagme-meditate pa ako, 1, 2, 3, Release!!

Poink!! Tawanan!! Nasan na ung referee?! My Goodness!! Siya pala ang tinamaan ko!



Lesson: “ Be on Sports, not on …….Drugs?!”




..I'm contemplating pa ng "pinaka" - Reputasyon ko na ang nakataya.hahaha! Tsaka na ha, pag nalasing na lang ako....

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home